Isang Henyo

mahirap patunayan na isa kang henyo..

Ang pinakamasarap na menudo na natikman ko ay sa isang karinderya sa Uranbo St, Pasig, kung tawagin namin ito ay "Kariton ng buhay" kasi kariton lang sha na tinutulak at dinadala doon tuwing 4PM. Malapit ito sa ULTRA kung saan matatagpuan ang aming dormitoryo, at dun kami madalas kumain bago kami mag ehersisyo sa gabi.

Ilang buwan ko na din sya sinubukan lutuin pero di ko makuha ang lasa, kumbaga "imbalance" sha o kakaiba talaga ang lasa. Isang araw nag lakas ako ng loob tanungin kung paano nila lutuin at kung ano ang timpla nila sa menudo:

Henyo: Nay! sarap talaga ng menudo nyo
Manang: talaga? salamat ah!
Henyo: Nagluluto din ako nito pero di ko makuha ung lasa nitong tinitinda nyo.. pano nyo ba to niluluto?
Manang: Ahh.. madali lang yan
Henyo: Ano po ba pinang titimpla nyo dito?
Manang: Yung normal na timpla lang
Henyo: Ano ung normal na timpla?
Manang: Yung timpla na pang menudo..
Henyo: Ahh cge salamat.. (sabay sa isip ko "tanga ata to o nag tatanga-tangahan")

Nabigo ako sa pag kuha ng kanilang sikreto at naka ilang subok pa ako hanggang dumating isang araw na nag luto ako ng menudo. Nang malasahan ko ang sarsa ng niluluto ko, para bang bumalik ang mga ala-ala ko na naka upo ako sa isang mahaba at marupok na kahoy at kumakain sa maliit na plato sa isang karinderyang kariton.

Henyo: Pota! nadale din sa wakas! (sabay tawag sa paboritong pamangkin) KUMAG!! KUMAG!!
Cheska: baket?
Henyo: Tikman mo to, iba na to ngayon
Cheska: Oo nga noh! masarap nga kumpara sa dati mong niluluto
Henyo: Alam mo kung baket?
Cheska: Baket?
Henyo: Kasi isa akong henyo
Cheska: whatevs tito, parang yan lang eh...



Mahirap talaga patunayan na isa kang henyo.

Ang Henyo

Isang lalake na sumubok gumawa ng blog para may maidagdag sa kanyang boring na buhay..

Nilalaman